Monday, June 21, 2010

Sa akin lang

Namimiss ko ng maging masaya. Parang napaka-ilap naman ng kaligayahan. Hindi naman ganito dati. Hindi nga ako sanay sa ganito eh. Parang ang hirap tuloy ngayon kumilos araw-araw kasi may iniisip lagi. Pati ibang tao napapansin na rin. Siguro miserable daw lovelife ko. Hmmm... hindi naman siya "bed of roses" pero hindi rin naman ako miserable. Siguro hindi lang talaga ako sanay. Sabi nga, may kanya-kanya naman tayo ng pagiintindi at depinisyon ng pag-ibig. Marahil hindi lang kami magkatugma ng pananaw... o ng prayoridad. Ewan ko ba. Sana makaya ko. Kinakaya ko naman eh kaso mukhang matatagalan pa bago maging maayos ang lahat. Sana pagdating sa huli, andun pa rin ako. Kaso ang problema, baka sa sobrang paghahangad na makamit ang pangarap ay mawala sa atin ang isa't isa. Akala ko babae ang pinamahigpit kong magiging karibal. Hindi pala. Wala pala siyang kasarian. At dun ako lalong walang kalaban-laban.

Ayoko ng nag-iisa. Ayoko rin ng nag-iisip. Ayoko rin ng walang ginagawa kasi kung anu-ano pumapasok sa isip ko. Buti na lang hindi ko nasasabi dahil kung saka-sakali baka may mapaiyak na naman ako ng mga salita ko. Bayad-utang na ba 'tong nararanasan ko ngayon? Kung sakali man, sana ito na nga ang kabayaran sa mga nagawa ko. Dahil kung may mas malala pa rito baka bumigay na ako at masiraan ng bait.

Sana di ako magsawa. Sana di ako mapagod. Sana 'di ako nagiisa. Pagod na akong magbasa. Wala rin namang pumapasok sa isip ko kundi ikaw. Bahala na.

No comments: