Thursday, October 11, 2012

Mula sa Isang Mag-aaral

Sir Mao, aaminin ko na po..

Natatakot po talaga ako sa inyo nung mga unang linggo natin sa Recit. grabe, yung rules niyo po about "bawal ang tanga".. "bawal ang magsabi ng 'hindi ko po alam'..." Kinabahan talaga ako dun Sir; nagbasa talaga ako ng husto kahit mejo di ko mainitindihan.. Sabi ko pa nga sa sarili ko "Nako, nakakahiya pag nagkataon, ang unti-unti ng alam ko! HUHUHU"

Pero, ngayon, natutuwa na po ako sa inyo; nawala na ang takot ko (tapos na kasi tanungan portion sa PI, joke! Haha).. Nwala na ang takot ko kay Sir Mao, napunta na sa GRADES ko sa PI. HEHE :)

Peaceout Sir :)


Ako:
Kahit itanong mo pa sa mga naging estudyante ko dati, mas malala pa dyan ang naramdaman at naranasan niLa. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kahit sabihan pa ako ng terror teacher. Isa lang naman importante sa akin, ang gawin ang lahat mag-aral lang ang mga estudyante. Hindi ko naman inaasam na magustuhan ako ng mga estudyante o maperfect nila ang mga exam ko (wala pang nakakagawa nun sa limang taon kong pagtuturo), sapat na sa akin na malamang nagbabasa sila kahit sapilitan (sa takot marahil na mapahiya sa klase). At pinatutunayan ito ng kanilang mga magulang. Ang pagkakatuto ay isang mahabang proseso, hindi ito nagaganap sa isang basahan o sa isang magdamag lamang na pagpupuyat. Sa katapusan, hindi lamang ang kabayanihan ni Rizal ang naituturo sa mga mag-aaral, kundi maging ang mga katangian at pag-uugaling dapat taglayin ng isang iskolar... lalo na kung siya ay Iskolar ng at para sa Bayan. [End of SONA]