Thursday, April 1, 2010

Masaya ako sa tuwing…

Masaya ako sa tuwing nakakabili o nakatatanggap ng aklat.

… naipaliliwanag ko ng maayos ang isang aralin.

… nakakakuha ng matataas na marka ang aking mga mag-aaral.

… naiintindihan nila ang mga tinuturo ko.

… natatapos ko ng maaga ang mga dapat kong gawin.

… nananalo sa contest!

… nakakatapos ng isang aklat.

… nakakakuha ako ng mataas na marka.

… umaakyat ako ng entablado para tumanggap ng karangalan! Yehey!

… nakikipagbiruan ako sa mga nasa paligid ko.

… nakikita ko ang pamangkin ko.

… kasama ko ang aking pamilya.

… kausap ko si mama sa phone.

… magluluto si papa ng pinakbet!

... naaalala ko ang aking mga nanay at kung gaano ko sila nami-miss.

… nakaka-usap kong muli ang mga kaibigan.

… kumakain kami sa labas.

… nakakatambay sa Starbucks kasama ang mga kaibigan.

… nakakapanood ng magandang pelikula.

… may nagtetext sa akin.

… napapatay ko ang mga boss sa Prince of Persia!

… nakakalampas ako sa mga obstacle sa mga laro sa ps3.

… namumulaklak ang mga halaman ko.

… nakakakita ako ng bulaklak.

… nakakatanggap ng bulaklak! Hahahahaha…

… nakakabili ng magandang damit.

… nakakapunta sa mga magagandang lugar.

… sumasakay ng eroplano.

… pumupunta sa mga simbahan.

… naiisip kong may mga taong tunay na nagmahal at nagmamahal sa akin.


 

Pero mas masaya ako sa tuwing:

… naririnig ko ang tawa mo.

… nakikita ang ngiti mo.

… sinasaluhan mo ako sa pagkain.

… nanunuod tayo ng sine.

… hawak mo ang mga kamay ko.

… inaakbayan kita.

… sinasamahan mo akong magsimba.

… pinupuntahan kita.

… nakaupo tayo sa Sunken Garden.

… nagkukuwentuhan ka tungkol sa mga pasyente mo.

… nalalaman kong okay ka dahil sa akin.

… pinagmamasdan kita.

… umuuwi tayo ng bahay.

… bumubuo tayo ng mga pangarap.

… inaalala ko ang mga pangarap nay un.

… nakakatanggap ka ng matataas na ebalwasyon.

… pumapasa ka sa mga pagsusulit.

… nakakamit mo ang mga pangarap mo.

… perky ka! Hehehehe.

… naglalakad tayo nang wala naming tiyak na direksyon.

… nagbibiruan tayo.

… nadidiskubre ang mga funny similarities natin sa buhay.

… naaalala ko yung muntik akong madulas sa Baguio!

… naaalala kita.

… nagtetext ka.

… nagkakabati tayo pagkatapos ng tampuhan.

… nagagawa mong espesyal ang mga simpleng bagay.

… nagiging espesyal ang mga simpleng bagay dahil andyan ka.

… naiisip ko kung gaano kita kamahal.

… sinasabi mong mahal mo ako.

… KASAMA KA.

… nagigising ako at nakikitang mahimbing ang tulog mo.

… magigising akong yakap ka.

… naaalala ko na masarap mabuhay dahil nandyan ka.

... napapasaya kita.

… nagpapasalamat sa Diyos dahil nandyan ka.

… pansamantalang puputulin ang listahang ito dahil iniisip ko na maraming pang mga bagay na madidiskubre na magpapasaya sa atin.

Sana napapasaya rin kita.

Teknolohiya at Lovelife

Sadya ngang naging impersonal ang ugnayan ng mga tao sa kasalukuyang panahon dahil na rin sa teknolohiya. Bagama't 'di maikakaila na lubos din nitong pinagaan ang pamumuhay dulot na rin marahil sa pagnanais nitong solusyunan ang mga komplikasyong siya mismo ang gumawa.

Tila masyadong naging pormal ang panimula…basagin ko na lang sa mga sumusunod na talata.

Alas 2:30 na ng umaga, Biyernes Santo. Di pa rin ako makatulog. Pilit ko kasing hinahanapan ng paliwanag kung bakit ganito kahirap ang maghintay. Ilang araw ko na rin siyang di nakikita. At sa loob ng ilang araw na 'yun ay pinagkakasya na lang namin ang sarili namin sa pagtetext – isang paraan ng pagpapadala ng mensahe gamit ang mga mobile phone. Bagamat, alam naming ang pangunahing gamit ng mga telepono ay upang literal na makipag-usap, ginagamit na ito ngayon upang magpadala ng lamang ng mensahe na tila nakikipag-usap na rin.

Sa pamamagitan ng short messaging service (SMS) na ito ay ipinapadala ang mga salitang lubos na personal at pribado kung tutuusin. "Mahal kita." "I love you." "Namimiss na kita." Mga salitang dapat sana'y binabanggit dahil sa paraang ito'y mas naipadarama ang emosyong kalakip ng mga salita. Subalit sa paglipas ng panahon, dahil na rin sa palasak na paggamit nito sa text ay unti-unti nang nawawalan ng saysay, ng emosyon. Tila mga mantra na lamang sila. Mga ordinaryong salita na unti-unti nang nawawalan ng halaga. Sapagkat, kahit ilang ulit mang makatanggap ng "I love you" nawawalan na rin ito ng silbi sapgakat, WALA NAMANG EMOSYON ANG TEXT.

Marahil, ang isa sa mga hindi kayang gawin ng teknolohiya ay ang lumikha ng emosyon. Sana hindi umabot sa panahong maging ang paggalang sa sarili at pagmamahal sa bayan ay maipapahayag na lamang sa pagitan ng text message o kaya chat. Sapagkat ilang ulit man itong i-type at ipadala, wala pa rin itong emosyong kalakip.

Random thought

In my silence and procrastination, and probably as an after effect of the Institutional Lenten Recollection we had in school last Friday, I began to understand myself as indeed searching for someone who would spend more quality time with me than someone who would lavish me with gifts nor acts of selflessness; nor someone who constantly fills my head and ego of words of affirmation; or someone who happens to enjoy me shirtless.

I am longing for someone whom I can talk to whenever I feel the need to express my self, which ever emotion I may be in at such a particular moment. Someone who enjoys talking to me than just texting or chatting with me. A person who feels it's necessary to hear my voice before the day ends just to catch up on things and not just to bid me good night.

I missed being "actually" taken care of. Patience is not one of my virtues. I hope someone is paying close attention.

Missing you

I hate not doing anything. It makes me think of weird things, sad thoughts, and bad memories. It makes me want to pick fights. It makes me crabby. It makes me unreasonable. Not doing anything makes me miss you a lot. But unfortunately, it makes me miss someone and some things from my past. Doing nothing may be a blessing for some but it’s actually a torture for me. Worse, it makes me wait. And i hate waiting. Honestly, I can’t even think sensibly right now. I can’t think and sometimes, well, in this case, I just want to stop thinking.

Old post: June 22, 2006 10:22am

A friend of mine sent me this message a couple of nights ago when i was feeling quite jaded with... life. The quote really did hit not only a nerve but a big chunk of me, therefore making me realize a few and ponder on a few things... things that have been bugging me for quite some time and causing me sleepless nights and mellow-dramatic waking moments. He told me he quoted the message from a short novel, "Kasal," his dear friend gave him. Yeah, very nice...sweet! Hah! Hmmmmm....oh how i miss such sweet gestures. Anyhow, here are two of those heart-piercing, not-your-usual kind of forwarded messages. Go ahead... Read and ponder... by the way, it's in Filipino.

"Kanina habang hinihintay namin ang pagsikat ng araw, ay tinanong naming muli ang aming mga sarili kung sino ang dapat sisihin sa patutunguhan ng aming relasyon o sa kawalan ng patutunguhan nito. Nagulat kami ng matanto namin na hindi namin kailangan maghanap ng kasalanan para tapusin lang ang aming relasyon. Pwede namang wakasan ito ng walang galit sa isa't isa, ng walang hintuturong nanduduro ng paninisi, ng walang pagkataong nawawasak, ng walang pusong nasasaktan, ng walang kaluluwang napupunit."

"TULDOK. Naghahanap ako ng tuldok sa buhay. Marami na akong mga tinapos na relasyon na hindi naman talaga nagtapos sa tuldok. AT gusto ko ng tuldukan ang mga bahaging iyon ng buhay ko. Maraming tuldok na pwedeng daanan pero hindi pala ganoon kadali mamulot ng tuldok."

Ok breathe... ahhhhhh...feels good, eh?
Wala lang... Walang third party. Sobrang busy ;lang siguro lately... I don't know. It's not something that happened or we argued about. Its how you feel... eventually, after quite some time. maybe because we've grown so used to each other that we began to treat the other as ordinary... always there... normal. that no matter what happen, we will still have each other at the end of the day. things is, it's starting to take its toll on the relationship. We've become pretty confident that we'll always have each other. Unfortunately, at this point love starts to lose its magic, it becomes unexciting. Worse, you start to ask silly questions such as: "how does a cool off situation feel? Why do some (if not most) people resort to it at some point in their relationship? what will it do to both parties?" ...or even, "Who am i?"Thanks to the help of friends, I managed to get over this PHASE. Yes, it is just a phase that lovers (or in my case, only the other half) go through. It is a stage that they have to go through... head on and hands together. Because, after all the tears and deep thoughts and varied advices, one thing resurfaces... you both love each other. i'm grateful I get to realize that early on. Or else, I would have lost what most people have been dying to have... TRUE LOVE. My baby loves me, that i know for sure. And i love him, too.

At last!

There's something good in store for those who patiently wait.

Yeah. Certainly. After months of struggling to recover my old blogger account, at exactly, 1:40 a.m. 2 April 2010 (Good Friday) I was able to recover my old account and reset my password. So instead of maintaining two accounts, I will just stick to this one and most likely just transfer my other blogs from the other account. I am so happy! At last, I've got something to make myself busy and stop "overthinking" because seriously, it's making me crazy!

So, the three posts that follow are from my other account. Read on!