Monday, July 21, 2008

Feels Like Home

Kung meron man paulit-ulit na tumutugtog ngayon sa carrel ko sa faculty room, ito'y walang iba kundi ang kantang ito ni Chantal Kreviazuk. Bahagi pala siya ng soundtrack ng Dawson's Creek kaya pala pamilyar. Nakakatuwa lang kasi... haaaay...sarap lang ulit-ulitin. pag-aaralan ko kung paano mag-download ng kanta dito sa blogsite para gagawin ko siyang background music. Naks! umaarte lang!

"Feels Like Home"
Somethin' in your eyes, makes me wanna lose myself
Makes me wanna lose myself, in your arms
There's somethin' in your voice, makes my heart beat fast
Hope this feeling lasts, the rest of my life

If you knew how lonely my life has been
And how long I've been so alone
And if you knew how I wanted someone to come along
And change my life the way you've done

It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I'm all the way back where I come from
It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I'm all the way back where I belong

A window breaks, down a long, dark street
And a siren wails in the night
But I'm alright, 'cause I have you here with me
And I can almost see, through the dark there is light

Well, if you knew how much this moment means to me
And how long I've waited for your touch
And if you knew how happy you are making me
I never thought that I'd love anyone so much

It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I'm all the way the back where I come from
It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I'm all the way back where I belong
It feels like I'm all the way back where I belong

Blue Form

Mabigat ang mga paang binagtas ko ang baku-bakong daan papuntang UP Press. Sa isang kuwarto sa ikalawang palapag naghihintay ang taong pipirma sa papel kong tangan mula sa Tanggapan ng Ugnayang-Pang-Gradwado ng kolehiyo. Pagkatapos ng mahabang lakaran, sa isang kuwarto sa dulo ng pasilyong tumutunghay sa madilim na imprenta sa ibaba titila ang aking mga hakbang. Sa harapan ng mesang punung-puno ng mga papel sesentensyahan ang muli kong pagsubok sa pagpapalawak ng kamalayan. Subalit bago pa man tuluyang lumipad at pumaimbulong sa himpapawid ay naulinigan ang pagtangis ng mga inakay na nangungulila at nangangailangan ng pag-aaruga. Kung kaya't agad akong bumalikwas at pansamantalang itinigil ang pangangarap. Mas kinakailangan ako ng mga inakay. Mas matimbang na ngayon ang kanilang mga pangarap. At kailangan kong bumalik para tulungan silang makamit iyon.

Natapos ko ang Batsilyerato sa Arte ng Kasaysayan sa loob ng apat na taon ng walang bahid pula sa aking mga marka. Ipinagmamalaki ko iyon kasi pinaghirapan ko. Kung pagsusunog nga ng kilay na matatawag ay malamang wala na akong kilay ngayon. 'Di ko binigo ang aking mga magulang, pamilya at kaibigan. Higit sa lahat, 'di ko binigo ang sarili ko. Ngunit sa unang pagkakataon, kung kailan ako nagkatitulo at mas lumawak ang kamalayan ay tsaka naman ako naduwag... Sa unang pagkakataon ay pipirma ako ng blue form. Magda-drop ako.

Ngunit karuwagan nga bang maituturing ang pag-drop o ito'y simpleng pagtanggap lamang ng pagkatalo? Marahil ay maari rin naming sabihin na pinili ko lang kung ano ang mas matimbang para sa akin at para sa ikabubuti ng nakararami?

Masarap mag-aral. Nakakatuwa ang pakiramdam noong muli akong pumasok sa paaralan bilang isang gradwadong mag-aaral. Nakakapanibago. Heto na naman ang syllabus, ang reading list, mga kahingian, at higit sa lahat ang mga papel! Na-miss ko nang gumawa ng papel... ang magbasa at manaliksik ng mga libro sa aklatan – mga librong nagluluma na at halos wala ng yatang nais magbukas ng mga ito. Makalipas ng isang taong pamamahinga, sabik akong muli na hasain ang isip at pigain ang utak sa lahat ng kaya nitong ibigay. Natuwa ako sa aking ginagawa. Bagama't may mga pagkakataon na halos maiyak at mawala sa sarili dahil hindi ko magawang maisatitik ang ninanais kong konklusyon sa ginagawang pagsusuring-aklat, ay natapos ko rin ito at matagumpay na naprisinta sa klase. Ngunit hindi ito ang katapusan. Ito'y simula pa lamang.

Sa puntong ito tila may napansin akong kakaiba. Tila nawala sa isip ko na isa rin pala akong guro. At sa estado ngayon ng buhay ko, iyon ang mas mahalaga. Hindi lang ako nagtatrabaho para kumita. Tumutulong ako sa paghubog sa kamalayan ng mga kabataan. At dahil sa muling pagkahilig sa pag-aaral, tila nakaligtaan ko ang mahalagang tungkuling iyon.

Hindi naman masama na pagsabayin ang dalawa, subalit para sa isang taong nagsisimula pa lamang sa bokasyong ito, tila kailangan ko munang magtuon ng atensyon sa kung ano ang mas mahalaga. Kaya ko pa naming tuparin ang mga pangarap ko sa hinaharap ngunit ang mga kabataang naghihintay ng matinong aralin sa araw-araw ay mga tinig na hinding-hindi ko kayang pagbingi-bingihan. Kung kaya, mabigat man ang aking kalooban, kailangan kong tanggapin ang desisyong ito. Ganito talaga ang buhay. Mahirap manimbang... mahirap magsakripisyo.

'Di ko pa rin tapos mapapirmahan ang blue form. Maghahabol na naman ako ng pagsasara ng opisina. Bukas sa dekano naman ng Kolehiyo. Kung tanungin man niya kung bakit bigla ganoon ang aking naging pasya, alam ko na ang aking itutugon. "May mga pangarap na mas kailangang maunang matupad."